Pinned Tweet
📍DSWD SATELLITE OFFICES NATIONWIDE: facebook.com/share/p/1HyxHNS…
Hanapin ang pinakamalapit na DSWD Satellite Office sa inyong lugar!
May katanungan ba kayo tungkol sa mga programa at serbisyo ng DSWD o nais ninyong humingi ng tulong? Hindi na kailangang bumiyahe nang malayo!
Sa pamamagitan ng DSWD Satellite Offices sa iba't ibang bahagi ng bansa, mas madali nang maaabot ng mga Pilipino ang mga programa at serbisyong panlipunan ng Kagawaran. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DSWD, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na gawing mabilis, mas maginhawa at mas accessible ang paghahatid ng mga serbisyo ng pamahalaan sa bawat komunidad.
Tingnan ang mga detalye sa ibaba para malaman kung saan matatagpuan ang DSWD Satellite Office sa inyong rehiyon o lalawigan. Maaari niyo rin itong ma-access sa link na ito: dswd.gov.ph/dswd-directory-s…
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
DSWD, Patuloy na Umaalalay sa Pamilyang Nawalan ng Anak na may Kapansanan sa Bukidnon ❤️🩹
Sa gitna ng pagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang anak na may kapansanan noong Setyembre, nakatanggap ang isang pamilya sa Bukidnon ng karagdagang Php10,000 na tulong pinansyal mula sa DSWD Field Office (FO) 10 – Northern Mindanao. Ipinagkaloob ito ngayong Lunes (Nobyembre 16) sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng San Fernando para makatulong sa kanilang mga gastusin habang unti-unting hinaharap ang mabigat na pagsubok.
Bago ito, nakatanggap na rin ang pamilya ng Php7,000 mula sa DSWD FO-10 Satellite Office sa Valencia City noong Oktubre 7 sa pamamagitan ng Guarantee Letter (GL) para sa gastusin sa punerarya. Kabilang din sila sa mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program na nagbibigay ng food assistance sa mga pamilyang nakakaranas ng kakulangan sa pagkain.
Patuloy na sinisikap ng DSWD na maihatid ang kinakailangang tulong at serbisyong panlipunan sa mga pamilyang dumaranas ng mahihirap na sitwasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (MAL)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
Walang Gutom Kitchen, Bukas Kahit Holiday! 🎉🥳
Kahit may idineklarang holiday sa National Capital Region (NCR) kaugnay ng ASEAN Summit 2026, tuloy pa rin ang paghahain ng libre, masarap at masustansyang pagkain sa DSWD Walang Gutom Kitchen. Nakiisa ngayong Lunes (Nobyembre 16) si Undersecretary Edu Punay, MPA ng Innovations and Program Development Group (IPDG) sa pamamahagi ng hot meals para sa mga walk-in clients at mga benepisyaryo ng DSWD Pag-abot Program.
Bukod sa pagkain, patuloy ring nagbibigay ng mahahalagang serbisyo ang Pag-abot Program Processing Center at Walang Gutom Kitchen sa mga kababayang natutukoy at naaabot ng DSWD social workers sa mga lansangan. Kabilang dito ang serbisyong medikal at pansamantalang matutuluyan habang inaayos ang kanilang pagbabalik sa kani-kanilang komunidad o paglilipat sa mga angkop na care facility.
Nakipagpulong din ang Kagawaran sa mga City Social Welfare Officers sa Metro Manila para pagtibayin ang koordinasyon at higit pang mapalakas ang mga serbisyong naihahatid sa mga benepisyaryo.
Magbubukas muli ang Walang Gutom Kitchen sa Martes (Nobyembre 17), mula 6:00 AM hanggang 3:00 PM, para maghain ng libreng almusal at tanghalian para sa ating mga kababayan.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#DSWDWalangGutomKitchen
#ASEANSummit2026
Kabuhayan na Mas Malapit na sa Komunidad 🧵
Hindi na kailangang bumiyahe pa sa bayan ng Mariveles ang mga residente ng Sitio Paliparan, Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan, para magkaroon ng mapagkukunan ng dagdag-kita mula sa pananahi. Dahil nito lamang Biyernes (Nobyembre 13), pormal na ginanap ang Inauguration and Turnover Ceremony ng Construction of One-Unit Livelihood Facility with Provision of Sewing Machines sa komunidad, na nagkakahalaga ng Php3,171,000, kabilang ang Php46,000 na Local Counterpart Contribution.
Sa ilalim ng Project Ugnayan ng DSWD KALAHI-CIDSS at Career Executive Service Board (CESB), nagkaloob din ang CESB Saldiwa Batch 56 - Class Lipad ng mga telang nagkakahalaga ng Php125,000 para magamit ng mga residente sa kanilang pananahi. Sa pamamagitan ng pasilidad at mga kagamitang ito, mas mailalapit sa komunidad ang oportunidad na magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan.
Bahagi ito ng pagsusulong ng DSWD ng mga proyektong nagbibigay ng pangmatagalang oportunidad sa kabuhayan at nagpapalakas sa kakayahan ng mga komunidad na umunlad sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (DIMA)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
#MagKALAHITayoPilipinas
2,308 Persons With Disabilities, Nakatanggap ng UPLIFT Disaster Assistance Matapos ang Lindol sa General Santos City 🫂🤝
May kabuuang 2,308 Persons with Disabilities sa General Santos City ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng UPLIFT Assistance - emergency cash transfer (ECT) for disaster victims noong Biyernes (Nobyembre 13), bilang suporta sa kanilang mga pangunahing pangangailangan matapos ang magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo.
Isinagawa ang pamamahagi sa pangunguna ng DSWD Field Office (FO) 12 - SOCCSKSARGEN, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking may sapat na suporta ang mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#UPLIFT
Walang Gutom Kitchen | Suporta sa mga Manggagawang Pilipino
Araw-araw, nagsisikap ang maraming manggagawa para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Tulad ng mga naglalaba at namamalantsa, bawat oras na ginugugol nila sa trabaho ay katumbas ng kita para sa pang-araw-araw na gastusin at kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Kaya naman, katuwang nila ang DSWD Walang Gutom Kitchen! Dito, may libre at masustansyang almusal at tanghalian na makakatulong na mapunan ang kanilang lakas habang naghahanapbuhay.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#DSWDWalangGutomKitchen
DSWD FO 10, Nagkaloob ng Php1.8 Milyong Livelihood Incentives sa 9 na Samahan sa Misamis Oriental 🎉🤝
Siyam na kwalipikadong Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) mula sa limang munisipalidad sa Misamis Oriental ang nakatanggap ng kabuuang Php1.8 milyon na livelihood incentives mula sa DSWD Field Office (FO) 10 - Northern Mindanao noong Martes at Miyerkules (Nobyembre 10-11). Kabilang dito ang tatlong samahan sa Alubijid, tig-dalawa sa Manticao at Laguindingan at tig-isa sa Gitagum at Naawan. Bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na palakasin ang kabuhayan at oportunidad sa pagkakakitaan ng mga komunidad.
Ipinagkaloob sa ilalim ng Project Development and Advancement Grant (PDAG), gagamitin ang tulong sa pagpapalawak ng kanilang mga negosyo sa cattle fattening, food processing, rice retailing at fishing supplies. Sa pamamagitan nito, pinatitibay ng DSWD ang kakayahan ng mga SLPAs na mapalago ang kanilang negosyo at magkaroon ng mas matatag at sustenableng kita.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#SustainableLivelihoodProgram
111.6 Kilo ng Tilapia at Iba't Ibang Gulay, Naani ng Project LAWA at BINHI Beneficiaries sa South Cotabato 🐟🌱
Nakaani ng kabuuang 111.6 kilo ng tilapia at iba't ibang gulay ang United Farmers of El Nonok Association (UFENA) sa isinagawang partial harvesting activity ng DSWD Field Office (FO) 12 – SOCCSKSARGEN sa Barangay El Nonok, Banga, South Cotabato noong Huwebes (Nobyembre 12). Kabilang sa mga naaning gulay ang talong, upo, patola, siling pansigang, siling labuyo at alugbati. Bahagi ang aktibidad ng Risk Resiliency Program ng DSWD Project LAWA at BINHI, na naglalayong palakasin ang produksyon ng pagkain at kabuhayan ng mga komunidad sa pamamagitan ng mga proyektong pangisdaan at paghahalaman.
Sa pamamagitan ng Project LAWA at BINHI, patuloy na pinalalakas ng DSWD ang kakayahan ng mga partner-beneficiaries sa pagsusulong ng sapat na suplay ng pagkain at pangmatagalang kabuhayan. Isinusulong nito ang pangmatagalang katatagan ng mga pamilyang benepisyaryo, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang kalagayan at kabuhayan ng mga Pilipino. (CC)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#ProjectLAWAatBINHI
Php7.06M UPLIFT Assistance, Ipinamahagi sa 1,308 Benepisyaryo sa Pampanga 💙
Sa bayan ng Mexico, Pampanga, umabot sa 1,308 benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-Php5,400 na tulong pinansyal sa ilalim ng UPLIFT Assistance – emergency cash transfer (ECT) for disaster victims nitong Biyernes (Nobyembre 13).
Isinagawa ng DSWD Field Office (FO) 3 - Central Luzon ang payout sa Mexico Motorpool, kung saan Php7,063,200 ang kabuuang halagang ipinamahagi para makatulong sa pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Sa pamamagitan ng UPLIFT Assistance, natutulungan ang mga benepisyaryo na matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at makapagsimula sa pagbangon mula sa epekto ng kalamidad, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking may agarang suporta ang mga pamilyang nangangailangan. (DIMA)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#UPLIFT
Pakikiisa ng DSWD sa 18th Ako Para sa Bata Conference para Palakasin ang Child Protection sa Bansa
Bilang bahagi ng pagsusulong ng ligtas at protektadong kinabukasan para sa mga batang Pilipino, nakiisa ang DSWD, sa pangunguna ni Secretary @rex_gatchalian, sa 18th Ako Para sa Bata (APSB) Conference na may temang “From Practice to Scale: Experiences and Innovations in Philippine Child Protection” ngayong Lunes (Nobyembre 16) sa Grand Ballroom A, Marriott Hotel, Newport City. Tinipon ng kumperensya ang mga kinatawan ng pamahalaan, pribadong organisasyon, mga eksperto at mga tagapagtaguyod ng karapatan ng mga bata para talakayin ang mga makabagong pamamaraan at karanasan sa pagpapalakas ng child protection sa bansa.
Tampok sa Plenary 1 ang “Masayang Pamilya Para sa Batang Pilipino Program: Prevention at Scale" na tumalakay sa pagsasama ng evidence-based prevention program sa Family Development Sessions (FDS) ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para palakasin ang kakayahan ng mga magulang sa pagpapalaki at pangangalaga sa kanilang mga anak. Samantala, tinalakay sa Plenary 2 ang pagpapalawak ng Women and Children Protection Units (WCPUs) sa mga ospital para mas maraming kababaihan at batang nakakaranas ng pang-aabuso ang makatanggap ng angkop na serbisyong medikal at proteksyon sa ilalim ng Universal Health Care (UHC).
Isinagawa ang kumperensya sa pakikipagtulungan ng Child Protection Network, Childlight (Global Child Safety Institute), Consuelo Zobel Alger Foundation at UNICEF. Dumalo rin bilang mga pangunahing panauhin at tagapagsalita sina First Lady Louise Araneta-Marcos; Department of Health (DOH) Secretary Dr. Edwin Mercado; Department of Justice (DOJ) Undersecretary Raul Vasquez; Valenzuela City Mayor Weslie Gatchalian; Council for the Welfare of Children (CWC) Undersecretary Angelo Tapales; Childlight CEO Paul Stanfield; Dr. Etienne Krug ng World Health Organization (WHO); Ms. Jennel Reyes, Executive Director ng Masayang Pamilya Organization, Inc.; at Dr. Bernadette Madrid, Executive Director ng Child Protection Network Foundation, Inc. Nakiisa rin ang mga kinatawan ng BARMM Ministry of Health, gayundin ang mga youth, parent at survivor advocates. (CC)
Photos: SCS
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
Me-RECYCLING Christmas, Hatid ng 4Ps Family Development Session sa Cebu! 🎄♻️
Mula sa mga nakolektang basura at ginawang eco-bricks, nakalikha ng mga Christmas tree, parol at iba pang dekorasyon ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Barangay Kinasang-an, Lungsod ng Cebu. Mula sa mga recycled materials, ipinamalas nila ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng mga makukulay at kapaki-pakinabang na dekorasyong pamasko.
Bahagi ito ng kanilang buwanang Family Development Session (FDS), na naglalayong hikayatin ang wastong paggamit muli at pagre-recycle ng mga materyales, gayundin ang mas responsableng pamamahala ng basura para makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran.
Alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagbutihin ang pamamahala ng basura at palakasin ang waste recovery at upcycling, patuloy na isinusulong ng DSWD ang mga gawaing nagtataguyod ng responsableng paggamit ng mga materyales at pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng pagpapalawak ng kaalaman at kakayahan ng mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps. (DIMA)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#PantawidPamilyangPilipinoProgram
77
Mas Pinaraming Walang Gutom Beneficiaries sa Zamboanga Peninsula 🍽
Mas marami pang pamilya ang maaaring makinabang sa Walang Gutom Program sa pamamagitan ng isinagawang scale-up validation activity sa mga lalawigan ng Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi nitong Sabado (Nobyembre 14).
Pinangungunahan ng DSWD Field Office (FO) 9 - Zamboanga Peninsula ang pagpapatunay at pagsusuri sa mga posibleng benepisyaryo bilang bahagi ng planong pagpapalawak ng programa. Layunin nitong matukoy ang mga pamilyang kwalipikadong maisama para makatanggap ng angkop na suporta at serbisyong panlipunan.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tugunan ang involuntary hunger at palakasin ang food security sa bansa, patuloy na isinusulong ng DSWD ang expansion ng Walang Gutom Program para mas marami pang pamilyang Pilipino ang magkaroon ng access sa sapat at masustansiyang pagkain. (DIMA)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#DSWDWalangGutomProgram
UPLIFT Disaster Assistance, Hatid sa Libu-libong Pamilya sa Tarlac 🫂
Umabot sa 2,451 benepisyaryo ang napagkalooban ng tulong-pinansyal sa ilalim ng UPLIFT Assistance – emergency cash transfer (ECT) for disaster victims sa isinagawang payout sa Col. Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex, Concepcion, Tarlac nitong Biyernes (Nobyembre 13).
Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inilalapit ng DSWD ang agarang suportang pinansiyal sa mga pamilyang nangangailangan para makatulong sa kanilang pagbangon at pagsisimulang muli matapos ang mga nagdaang kalamidad. (DIMA)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#UPLIFT
91
From 4Ps Beneficiaries to Self-Sufficient Families: 150 Pamilya, Graduate na sa Programa! 👨👩👧👦🎓
Isang mahalagang tagumpay ang ipinagdiwang ng 150 pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Iguig, Cagayan, matapos nilang makamit ang Level 3 o self-sufficient level batay sa Social Welfare and Development Indicators (SWDI) assessment. Kabilang sa mga nagtapos ang 20 college graduates na kinilala rin sa seremonya nitong Huwebes (Nobyembre 12).
Bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, tumanggap ang bawat pamilya ng tig-10 kilo ng bigas, habang pinagkalooban naman ng tig-Php1,000 cash assistance ang college graduates. Pormal ding iniendorso sa lokal na pamahalaan ang kanilang case folders, sa pangunguna ni Mayor Juditas Trinidad, ang case folders ng mga nagtapos para maipagpatuloy ang paggabay at suporta sa kanila at mapanatili ang mga pagbabagong nakamit.
Alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kakayahan ng mga pamilyang Pilipino na makaahon sa kahirapan at makapamuhay nang may kasarinlan, patuloy na isinusulong ng DSWD ang mga programang nagbibigay-kakayahan sa mga pamilya na matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at magkaroon ng mas matatag na kinabukasan. (DIMA)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#PantawidPamilyangPilipinoProgram
76
Walang Gutom Program, Hatid ang Masustansiyang Pagkain sa mga Pamilya sa Aleosan, Cotabato 🍽
Mas nagiging abot-kamay ang mga masustansiyang pagkain para sa pamilya nang matagumpay na makapag-redeem ang mga benepisyaryo ng kanilang food commodities sa ilalim ng Walang Gutom Program sa Aleosan, Cotabato Province nitong Huwebes (Nobyembre 12).
Sa pangunguna ng DSWD Field Office (FO) 12 - SOCCSKSARGEN, patuloy na naihahatid ng programa ang suporta para matulungan ang mga pamilyang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at mapangalagaan ang kalusugan at nutrisyon ng bawat miyembro ng pamilya.
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wakasan ang involuntary hunger at palakasin ang food security sa bansa. Sa pamamagitan ng Walang Gutom Program, patuloy na isinusulong ng DSWD ang pagkakaroon ng sapat at masustansiyang pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino. (DIMA)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#DSWDWalangGutomProgram
DSWD, Nagsasagawa ng Profiling at Assessment sa 750 Returning Filipinos Mula Sabah
Matapos dumating sa Zamboanga City ang 750 Returning Filipinos from Sabah (RFS) nitong Biyernes (Nobyembre 13), ipinagpatuloy ng DSWD Field Office (FO) 9 - Zamboanga Peninsula ang profiling at assessment sa Processing Center for Displaced Persons (PCDP) nitong Sabado (Nobyembre 14).
Pinangunahan ng mga social workers ng DSWD ang pagsusuri sa kalagayan at pangangailangan ng bawat indibidwal para matukoy ang angkop na interbensiyon at social welfare assistance na maaari nilang matanggap. Katuwang din sa operasyon ang Department of Health (@DOHgovph) para sa mga usaping pangkalusugan, Department of Migrant Workers (@DMWPHL) para sa migrant worker-related assistance at Philippine Statistics Authority (@PSAgovph) para sa pagpaparehistro sa National ID.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking may sapat at angkop na suporta ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa pagbabalik sa bansa, isinusulong ng DSWD at mga katuwang na ahensya ang pagtugon sa agarang pangangailangan ng mga returning Filipinos at paghahanda sa kanilang maayos na reintegrasyon sa kani-kanilang komunidad. (DIMA)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤️
UPLIFTing News: Hindi naging hadlang ang pagkakaospital para matanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo ang kanilang UPLIFT Assistance 💙
Nitong Sabado (Nobyembre 14), direktang nagtungo ang mga Angels in Red Vests ng DSWD Field Office (FO) 12 – SOCCSKSARGEN sa Makilala Medical Specialist Hospital, Inc. para ihatid ang UPLIFT Assistance – emergency cash transfer (ECT) for disaster victims sa mga benepisyaryong hindi nakadalo sa payout.
Matagumpay na naihatid sa kanila ang pinagsamang Php4,000 na tulong pinansiyal para sa ikatlo at ikaapat na tranche ng programa, para matiyak na matatanggap nila ang nararapat na suporta sa kabila ng kanilang kalagayan.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga higit na nangangailangan, sinisiguro ng DSWD na walang kwalipikadong benepisyaryo ang mapag-iiwanan sa paghahatid ng tulong, anuman ang kanilang kalagayan. (DIMA)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#UPLIFT
DSWD FO-12 at KSrelief, Kabalikat sa Pagbangon ng mga Pamilyang Apektado ng Lindol 🤝
Namahagi ang DSWD Field Office (FO) 12 – SOCCSKSARGEN, katuwang ang King Salman Humanitarian Aid and Relief Center (KSrelief) ng Kaharian ng Saudi Arabia, ng 170 food basket sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8, 2026. Isinagawa ang aktibidad sa Carcon Gymnasium, Barangay Lagao, General Santos City noong Martes (Nobyembre 10).
Dumalo sa aktibidad sina KSrelief Project Manager Yazeed Ibrahim Albalawi at Inventory Control Supervisor Mohammed Alwadei; DSWD FO-12 Assistant Regional Director Bonifacio Selma Jr. at DRMD Chief Naira Aratuc; at DSWD-NRLMB Chief Administrative Officer Patrick John Reyes at Administrative Officer II Frederick Gamis. Kinatawan naman ni Executive Assistant Atty. Nikki Catolico si City Mayor Lorelie Pacquiao, na nagpahayag ng suporta ng pamahalaang lungsod sa inisyatiba.
Sa pagtutulungan ng DSWD at KSrelief, naihahatid ang karagdagang tulong sa mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa epekto ng lindol. (MAL)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
Tuloy ang Walang Gutom Kitchen Operations ngayong Nobyembre 16–18! 📢
Kahit long weekend at holiday, tuloy ang Walang Gutom Kitchen sa paghahain ng libre, masustansya at masarap na almusal at tanghalian sa ating mga kababayan!
Bukas ang Walang Gutom Kitchen ngayong Lunes hanggang Miyerkules (Nobyembre 16–18), mula 6:00 AM hanggang 3:00 PM, para makapaghatid ng pagkain at makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan. 🍽️
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#DSWDWalangGutomKitchen
#ASEANSummit2026
Mga Residente ng Davao del Sur, Patuloy na Nakikinabang sa Project LAWA at BINHI 🌱
Sinuri ng DSWD Field Office (FO) 11 – Davao Region ang kalagayan ng mga proyektong pangkomunidad ng tatlong Project LAWA at BINHI Associations sa Bansalan, Davao del Sur noong Nobyembre 9. Sa isinagawang initial post-monitoring, tiningnan kung maayos na napapakinabangan at napangangalagaan ng mga samahan ang kanilang mga pasilidad at proyektong pangkabuhayan, gayundin ang mga hamong nangangailangan ng teknikal na suporta.
Katuwang ang lokal na pamahalaan at mga partner-beneficiaries, layunin ng monitoring na mapanatili ang operasyon ng mga proyekto at ang mga kabuhayang nagsisilbing suporta sa mga komunidad. (CC)
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️
#ProjectLAWAatBINHI



















































































