Correct!!
“AROGANTE AT ESTUPIDO”
Ito ang reaksiyon ni retired Brigadier General Orlando de Leon kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni Sen. Raffy Tulfo matapos ang mainit na pagtatanong nito sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang post, diretsahang sinabi ni De Leon:
“Raffy Tulfo wanted to look smart, but ended up looking stupid. Arrogant and stupid.”
(“Gustong magmukhang matalino ni Raffy Tulfo, pero nauwi sa pagmumukhang estupido. Arogante at estupido.”)
Ang pahayag ay tila tugon sa naging kontrobersiyal na asal at pananalita ni Tulfo sa pagkuwestiyon kay dating OVP special disbursing officer Gina Acosta, kabilang ang pagtawag niya rito na “stupid in the name of blind loyalty.”
Patuloy na umaani ng magkakaibang reaksiyon ang insidente, partikular sa usapin kung hanggang saan maaaring maging agresibo ang pagtatanong ng isang senator-judge habang pinananatili ang decorum sa isang impeachment proceeding.
Wala pang tugon mula kay Tulfo kaugnay ng pahayag.





























