Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang jeepney operator na magpaliwanag kaugnay ng umano’y pagtangging magsakay ng mga commuter sa ilalim ng Libreng Sakay program sa 01K route sa Cebu City.
Naglabas ng show cause orders noong Oktubre 31 laban sa JP and Sons Transport Group Inc. at Aleja Fua Rent a Car Corp. matapos maiulat na hindi huminto ang kanilang mga modernong jeepney upang magsakay ng mga pasaherong naghihintay sa Barangay Mabolo, lalo na tuwing rush hour.
Binigyan ang dalawang operator ng limang araw upang magsumite ng paliwanag at mga kaukulang dokumento. Inatasan din silang dumalo, kasama ang kanilang mga driver, sa pagdinig sa Nobyembre 12, 11:00 ng umaga.
Posibleng patawan ng multa o suspendihin o bawiin ang kanilang prangkisa depende sa resulta ng imbestigasyon.
📷: PNA
#NET25NewsandInformation #LTFRBAssistance #LibrengSakay #cebucity #dotr
THE BLACK PARADE IS ALMOST HERE! 🖤
7 days na lang bago muling mag-perform sa Pilipinas ang My Chemical Romance, 18 years matapos ang huli nilang concert dito!
Sa November 14 gaganapin ang concert sa Philippine Arena sa Bulacan. Bahagi ito ng South East Asia Tour ng banda.
Mapapakinggan din nang live ang buong The Black Parade album, kasama ang fan favorites na “Welcome to the Black Parade,” “Famous Last Words” at “Teenagers.”
#NET25NewsandInformation #MyChemicalRomance #TheBlackParade #SouthEastAsiaTour
ATTENTION, CONCERT GOERS!
TINGNAN: Narito ang mga dapat dalhin at mga ipinagbabawal na gamit sa Philippine Arena.
LANY fans, tandaan ang mga ito para sa isang masaya at ligtas na concert experience!
📷: Live Nation PH
#NET25NewsandInformation #LANY #PhilippineArena #softworldtour #concert
Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang posibleng sinadyang pagtatapon ng used oil mula sa isang barko matapos kumalat ang oil spill sa baybaying bahagi ng Sitio Naswe, Barangay Ipag, Mariveles, Bataan noong Nobyembre 5.
Ayon sa paunang imbestigasyon, posibleng nagmula ang langis sa isang barko o sa wastewater mula sa paglilinis ng makina nito. Apektado ng oil spill ang humigit-kumulang 500 square meters ng karagatan.
Narekober na ng mga awtoridad ang tinatayang 70 porsiyento ng langis, kabilang ang 800 kilo ng kontaminadong debris at ginamit na absorbent materials. Patuloy ang operasyon ng PCG upang makolekta ang natitirang langis at matukoy ang barkong responsable sa insidente.
Pinayuhan naman ang mga mangingisda at residente na pansamantalang umiwas sa apektadong karagatan habang nagpapatuloy ang paglilinis at monitoring operations.
📷: PCG
#NET25NewsandInformation #PhilippineCoastGuard #EnvironmentalProtection #Bataan #marivelesbataan #oilspill
Nasa 90 porsiyento nang kumpleto ang DNA testing ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga labi ng mahigit 2,200 biktima ng Super Typhoon Yolanda na inilibing sa Tacloban City.
Ayon kay NBI Eastern Visayas Regional Director Jeremy Lotoc, target ng ahensya na maisumite ang resulta kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez bago ang ika-13 anibersaryo ng pananalasa ng bagyo sa Nobyembre 8.
Layunin ng pagsusuri na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima upang malaman ng kanilang mga pamilya ang tiyak na lugar kung saan sila inilibing. Plano rin ng NBI na palawakin ang DNA identification initiative sa mga mass burial site sa Palo at Tanauan, Leyte.
📷: Reuters
#NET25NewsandInformation #BagyongYolanda #SuperTyphoonHaiyan #Haiyan #TaclobanCity #supertyphoon #dnatesting
CONFIDENCE DOESN’T NEED TO PUT OTHERS DOWN! 💯 #MayPoint!
Paano mo malalaman kung confidence o ego ang pinapakita mo? 🤔 Share your thoughts! 👇
youtu.be/0sQHP2otnSA
ANG MGA PINOY, BASTA LIBRE, GAME 'YAN! 🤣 #HearMeOut! Aminin mo, ganito ka rin! Pero bakit nga ba ang sarap sa feeling kapag may nakukuha tayong libre? Share your freebie moments naman diyan! 👇
youtu.be/XrNl35mIwKI
KAPAG OFW, OBLIGADO BANG MAG-UWI NG PASALUBONG? 🤨 #MainFeed!
Ano ang masasabi mo sa mga taong wala namang suporta sa buhay ng isang OFW, pero ang gusto kasali sa pasasalubungan? 🤔️ May kilala ka bang ganito? Ano, toxic ba? 😅️
youtu.be/n_ZOCPPSR-k
Walang inaasahang biglaang pagtaas o “bill shock” sa singil sa kuryente, pero hindi pa rin nakikita ng MERALCO ang posibilidad na bumaba ang presyo nito sa mga susunod na buwan, ayon kay Joe Zaldarriaga. | Ano Sa Palagay N’yo?
youtu.be/xinUjiHq_Nw
LIBRENG SAKAY SA ARAW NG ASEAN SUMMIT
Magpapatupad ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Nobyembre 9, 11, at 13 bilang bahagi ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit sa Pilipinas.
Saklaw ng libreng biyahe ang dalawang oras sa umaga, mula alas-7:00 hanggang alas-9:00, at sa hapon, mula alas-5:00 hanggang alas-7:00.
Inaasahang makatutulong ang hakbang sa mga commuter na bibiyahe sa Metro Manila habang isinasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng summit.
#NET25NewsandInformation #LRT1 #LibrengSakay
#ASEAN2026 #ASEANSummit








