NET25 (@NET25TV) header
NET25 (@NET25TV) profile picture

NET25 is the television station of Eagle Broadcasting Corporation

Quezon City, Philippines
Joined April 2012
Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)Photo by NET25 (@NET25TV)
Binago ng Impeachment Court ang voting threshold sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte matapos katigan ng mayorya ng mga senator-judges ang bagong interpretasyon sa bilang ng mga botong kailangan para sa conviction. Habang iginiit ng kampo ng Bise Presidente na dapat manatili sa 16 ang kinakailangang boto batay sa kanilang pagbasa sa Konstitusyon, naninindigan naman ang korte na ang bagong ruling ay naaangkop lamang sa kasalukuyang kaso. Paglilinaw sa batas o pagbabagong maaaring makaapekto sa magiging hatol? 📺 Panoorin ang buong detalye sa DATOS — dito lang sa NET25 Online. #NET25NewsAndInformation #DATOS #WengDelaFuente #SaraDuterte #ImpeachmentTrial #SenatePH #ConstitutionPH #RuleOfLaw #PhilippinePolitics
1
4
1,092
Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang jeepney operator na magpaliwanag kaugnay ng umano’y pagtangging magsakay ng mga commuter sa ilalim ng Libreng Sakay program sa 01K route sa Cebu City. Naglabas ng show cause orders noong Oktubre 31 laban sa JP and Sons Transport Group Inc. at Aleja Fua Rent a Car Corp. matapos maiulat na hindi huminto ang kanilang mga modernong jeepney upang magsakay ng mga pasaherong naghihintay sa Barangay Mabolo, lalo na tuwing rush hour. Binigyan ang dalawang operator ng limang araw upang magsumite ng paliwanag at mga kaukulang dokumento. Inatasan din silang dumalo, kasama ang kanilang mga driver, sa pagdinig sa Nobyembre 12, 11:00 ng umaga. Posibleng patawan ng multa o suspendihin o bawiin ang kanilang prangkisa depende sa resulta ng imbestigasyon. 📷: PNA #NET25NewsandInformation #LTFRBAssistance #LibrengSakay #cebucity #dotr
151
THE BLACK PARADE IS ALMOST HERE! 🖤 7 days na lang bago muling mag-perform sa Pilipinas ang My Chemical Romance, 18 years matapos ang huli nilang concert dito! Sa November 14 gaganapin ang concert sa Philippine Arena sa Bulacan. Bahagi ito ng South East Asia Tour ng banda. Mapapakinggan din nang live ang buong The Black Parade album, kasama ang fan favorites na “Welcome to the Black Parade,” “Famous Last Words” at “Teenagers.” #NET25NewsandInformation #MyChemicalRomance #TheBlackParade #SouthEastAsiaTour
162
ATTENTION, CONCERT GOERS! TINGNAN: Narito ang mga dapat dalhin at mga ipinagbabawal na gamit sa Philippine Arena. LANY fans, tandaan ang mga ito para sa isang masaya at ligtas na concert experience! 📷: Live Nation PH #NET25NewsandInformation #LANY #PhilippineArena #softworldtour #concert
373
Iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang posibleng sinadyang pagtatapon ng used oil mula sa isang barko matapos kumalat ang oil spill sa baybaying bahagi ng Sitio Naswe, Barangay Ipag, Mariveles, Bataan noong Nobyembre 5. Ayon sa paunang imbestigasyon, posibleng nagmula ang langis sa isang barko o sa wastewater mula sa paglilinis ng makina nito. Apektado ng oil spill ang humigit-kumulang 500 square meters ng karagatan. Narekober na ng mga awtoridad ang tinatayang 70 porsiyento ng langis, kabilang ang 800 kilo ng kontaminadong debris at ginamit na absorbent materials. Patuloy ang operasyon ng PCG upang makolekta ang natitirang langis at matukoy ang barkong responsable sa insidente. Pinayuhan naman ang mga mangingisda at residente na pansamantalang umiwas sa apektadong karagatan habang nagpapatuloy ang paglilinis at monitoring operations. 📷: PCG #NET25NewsandInformation #PhilippineCoastGuard #EnvironmentalProtection #Bataan #marivelesbataan #oilspill
1
149
Nasa 90 porsiyento nang kumpleto ang DNA testing ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga labi ng mahigit 2,200 biktima ng Super Typhoon Yolanda na inilibing sa Tacloban City. Ayon kay NBI Eastern Visayas Regional Director Jeremy Lotoc, target ng ahensya na maisumite ang resulta kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez bago ang ika-13 anibersaryo ng pananalasa ng bagyo sa Nobyembre 8. Layunin ng pagsusuri na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima upang malaman ng kanilang mga pamilya ang tiyak na lugar kung saan sila inilibing. Plano rin ng NBI na palawakin ang DNA identification initiative sa mga mass burial site sa Palo at Tanauan, Leyte. 📷: Reuters #NET25NewsandInformation #BagyongYolanda #SuperTyphoonHaiyan #Haiyan #TaclobanCity #supertyphoon #dnatesting
229
CONFIDENCE DOESN’T NEED TO PUT OTHERS DOWN! 💯 #MayPoint! Paano mo malalaman kung confidence o ego ang pinapakita mo? 🤔 Share your thoughts! 👇 youtu.be/0sQHP2otnSA
143
ANG MGA PINOY, BASTA LIBRE, GAME 'YAN! 🤣 #HearMeOut! Aminin mo, ganito ka rin! Pero bakit nga ba ang sarap sa feeling kapag may nakukuha tayong libre? Share your freebie moments naman diyan! 👇 youtu.be/XrNl35mIwKI
1
172
KAPAG OFW, OBLIGADO BANG MAG-UWI NG PASALUBONG? 🤨 #MainFeed! Ano ang masasabi mo sa mga taong wala namang suporta sa buhay ng isang OFW, pero ang gusto kasali sa pasasalubungan? 🤔️ May kilala ka bang ganito? Ano, toxic ba? 😅️ youtu.be/n_ZOCPPSR-k
1
222
Kinuwestiyon ni Atty. Harold Respicio ang pamamahala sa pondo ng PhilHealth. Nagbabala si Dr. Anthony Leachon na maaaring bankrupt na ang ahensya at umaasa na lamang sa nakalaang pondo upang punan ang kakulangan nito. #NET25NewsAndInformation #Resbak #AttyHaroldRespicio #AnthonyLeachon #PhilHealth #PublicService #Pilipinas youtu.be/47hFbmJuC8o
196
Pumangatlo si Davao City Mayor Baste Duterte sa presidential preference survey ng WR Numero. Nanguna naman si Vice President Sara Duterte na nakakuha ng 42.4% voter preference, habang pumangalawa si dating Vice President Leni Robredo. | Ano Sa Palagay N’yo? youtu.be/MFPcsiDlkAA
234
FROM DIY IDEA TO BUSINESS OPPURTUNITY! 😍 Nakasama natin dito sa #LoveTonipetAndEverythaaang si Viola Jane Caliwan, na nagsimula sa paggawa ng crochet at fuzzy wire flowers noong 2022. 🎀 Isang simpleng DIY idea na naging simula ng kaniyang handmade hair accessories #MiniGosyo! 💙 youtu.be/ZRZa58cQlC8
1
163
Dulot ng matinding pinsala ng ilang linggong habagat at mga bagyo sa Central Luzon, nag-abot ng tulong ang Iglesia Ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation sa mga residente ng Pampanga na matagal nang nalubog sa baha. Bukod sa mga care packages at jumper boots, nagkaloob din sila ng mga bangka para sa mga residente upang magamit sa kanilang transportasyon at pang-araw-araw na pangingisda at kabuhayan. #WorldwideLingapSaMamamayan #SpecialCoverage #CareForHumanity #FYMFoundation youtu.be/v8ZabDmiaZg
4
229
Walang inaasahang biglaang pagtaas o “bill shock” sa singil sa kuryente, pero hindi pa rin nakikita ng MERALCO ang posibilidad na bumaba ang presyo nito sa mga susunod na buwan, ayon kay Joe Zaldarriaga. | Ano Sa Palagay N’yo? youtu.be/xinUjiHq_Nw
1
161
"Napakalayo sa realidad!" Kinuwestiyon ni Cora Guidote, ekonomista at dating miyembro ng BSP Board, ang poverty threshold na inilabas ng PSA na P96 kada araw. Ayon kay Guidote, malayo ito sa aktuwal na gastusin ng mga Pilipino at tila salungat sa pagkilala ng World Bank sa Pilipinas bilang upper-middle-income country. | Ano Sa Palagay N’yo? youtu.be/KLhXTJzH998
79
LIBRENG SAKAY SA ARAW NG ASEAN SUMMIT Magpapatupad ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Nobyembre 9, 11, at 13 bilang bahagi ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Saklaw ng libreng biyahe ang dalawang oras sa umaga, mula alas-7:00 hanggang alas-9:00, at sa hapon, mula alas-5:00 hanggang alas-7:00. Inaasahang makatutulong ang hakbang sa mga commuter na bibiyahe sa Metro Manila habang isinasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng summit. #NET25NewsandInformation #LRT1 #LibrengSakay #ASEAN2026 #ASEANSummit
107
Arestado ang isang 32-anyos na empleyado ng isang law office sa Makati City dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga blangkong tseke at pamemeke ng mga pirma upang makapag-encash ng ₱386,674.68. Nakilala ang suspek sa alyas na “Cha-cha.” Nadiskubre ang kaniyang ginagawa matapos mapansin ng kumpanya ang mga transaksiyong walang pahintulot gamit ang mga tseke nito. Nakuha rin sa kaniyang pinagtatrabahuhan ang isang punit na blangkong tseke at dokumentong may mga pekeng e-signature. Nahaharap siya sa mga reklamo kaugnay ng qualified theft at pamemeke ng mga dokumento sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act. #NET25NewsandInformation #cybercrime #checkfraud #MakatiCity #investigation #fraud
1
177
HINDI NA MIYEMBRO SI JOSEPH CUE SY TINGNAN: Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na inalis na sa hanay ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Joseph Cue Sy, na kilala rin bilang Chen Zhong Zhen, noong Agosto 2025. Kasabay nito, muling sinusuri ng PCG ang listahan ng mga auxiliary member upang matiyak na kwalipikado at pasado sa pamantayan ng organisasyon ang mga kabilang dito. Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, paiigtingin ni PCG Commandant Admiral Rommel Supangan ang proseso ng background checking at beripikasyon, hindi lamang sa mga bagong aplikante kundi pati sa mga kasalukuyang miyembro. Layunin nitong matiyak ang integridad ng PCGA at mapanatili ang tiwala ng publiko sa organisasyon. 📸: PCG #NET25NewsandInformation #PCGA #JosephCueSy #ChenZhongZhen #PhilippineCoastGuard
94
Nahuli ng mga awtoridad ang 30-anyos na driver ng SUV na tumangay ng cellphone na mahigit ₱50,000 ang halaga mula sa isang online seller sa Mandaluyong na nasawi matapos masabit sa sasakyan. Ayon sa pulisya, tumakas ang suspek habang bitbit ang hindi pa nababayarang cellphone, dahilan para sumampa sa SUV ang 23-anyos na biktima hanggang EDSA bago mahulog sa kalsada. Namatay ito matapos ang tatlong araw na pagkaka-ospital dahil sa matinding pinsala sa ulo. Naaresto ang suspek sa Pasong Tamo, Quezon City at nakapiit na sa Mandaluyong Police Station. Haharap ito sa kasong robbery with homicide. | via Jim Tejano 📷: Mandaluyong CPS #NET25NewsandInformation #Mandaluyong #policenews #crimenews #SUV #driver #arrest
1
1
320
Naantala ang biyahe ng libu-libong pasahero matapos makatanggap ng bomb threats ang hindi bababa sa 25 passenger flights sa iba’t ibang bahagi ng Europe nitong Huwebes, Nobyembre 5. May mga eroplanong kinailangang ilihis ang ruta, habang ang ilan ay ineskortan pa ng mga fighter jet bago lumapag. Kabilang sa mga apektadong biyahe ang papunta sa Milan, Rome, Paris, Prague at Sofia. Walang natagpuang pampasabog sa mga eroplanong sinuri ng mga awtoridad, ngunit hindi ito ang unang insidente ngayong linggo. Noong Martes, hindi bababa sa pitong flight at isang cruise ship ang nakatanggap din ng bomb threats. Wala pang grupong o bansang inaakusahang nasa likod ng mga pagbabanta, bagama't may ilang opisyal sa Europe na nag-uugnay sa mga ganitong insidente sa posibleng hybrid attacks ng Russia. 📸 : Reuters #NET25NewsandInformation #Europe #BombThreats #FlightDisruptions #AviationSecurity #AirTravel #InternationalNews
145